Batang Ama (Eggy book 2)  Ch. 13

..

Batang Ama (Eggy book 2) 

Chapter 13 - Regular day. 

Kinabukasan… 

Nasa salas pa din ako. Hindi ako talaga dinalaw ng antok. Nakakaasar sa tuwing pipikit ako haling-hing ng mga babae ang naririnig ko. Nakatulog siguro ako wala pang 1 oras. Hayyy. 

Alas-singko nag pasya akong magbihis ng pang jogging ko. Baka kung sakaling mapagod ako makatulog ako pag-uwi ko. 

Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng isusuot ko dinampot ko yung basketball uniform ko nung Highschool varsity pa ako. Pag lingon ko nakita ko si Clay na nakatayo sa crib nya at nakataas na ang mga kamay para magpakarga. 

No choice imbes na mag ingay ay maingat kong inangat si Clay tiningnan ko muna kung magigising yung dalawa. Nang clear na lahat kumuha ako ng isusuot kay Clay at lumabas ng kwarto. Binihisan ko si Clay ng sweater na may hoodie at jogging pants, sinuot ko na din yung uniform ko Frisco pa ang apelyido ko dito. Jersey no. 23 Frisco. 

Ako: Clay shhhh. Wag ka noisy ha baka magising yung dalawa, hindi ko kaya buhatin kayong tatlo. 

Nag nod ang bata. Naintindihan nya ako? Smart talaga ito pag laki. 

Lumabas na kami ng bahay at dahan-dahan kong sinara yung pinto. Muntik na ako tumili ng may kumalabit sa likuran ko. 

Neggy: Huy bakulaw saan punta mo. Ay saan punta ng apo ko? 

Ako: Mag Jogging lang kami nay! Nagising eh baka umiyak pag iniwanan ko. 

Neggy: Baka naman maalog ang bata Anak. 

Ako: babagalan ko lang. Saan ka galing? 

Neggy: Saan pa ehdi sa tatay mo. Tulog pa ba sila? 

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow

 
ABOUT THIS AUTHOR:

Vincent Roy Galicia    Last seen: 8 months ago

🏆 🏆 PES Certified Hit Maker Author
Yes I'm Bigvinz
Member Since: Apr 2, 2024 04:15:23 AM
Writings: 43
Due to the nature of this site, you must be logged in to comment.